Erwin Tulfo: DSWD handang makipagtulungan sa Angat Buhay NGO ni Robredo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Erwin Tulfo: DSWD handang makipagtulungan sa Angat Buhay NGO ni Robredo

Erwin Tulfo: DSWD handang makipagtulungan sa Angat Buhay NGO ni Robredo

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC


Handang makipagtulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa inilunsad na Angat Buhay foundation ni dating bise presidente Leni Robredo, sabi ni Secretary Erwin Tulfo gayong Biyernes.

"Kung tutulong sila (Angat Buhay) mas mapapabilis, mas mapapagaan 'yung trabaho namin," sabi ni Tulfo sa panayam sa TeleRadyo.

"Welcome po everybody. Sabi ko nga sa inyo ito rin 'yung mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos, unity."

Isa si Robredo sa mga nakatunggali ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagkapresidente noong May 9 elections.

ADVERTISEMENT

"Ang pagtulong po kasi walang kulay, hindi ho red, hindi ho pink... Dapat colorless po 'yan para wala kang nakikita di ho ba. Malaking tulong ho iyan, 'yang Angat Buhay na 'yan," ani Tulfo.

"Kailangan lang ho siguro kami ay mag-usap — meron silang mensahero ay ako willing, kailangan lang po namin ng tulong para madaling maipaabot ang mga tulong, mga ayuda, mga cash assistance sa mga mamamayan," dagdag niya.

Inanunsiyo ni Robredo ang pagtatatag ng Angat Buhay foundation ilang araw matapos ang Halalan 2022.

“Bubuuin natin ang pinakamalawak na volunteer network sa kasaysayan ng ating bansa,” sabi noon ni Robredo.

Ngayong Biyernes, pormal nang inilunsad ng dating bise presidente ang naturang non-government organization.

Una nang sinabi ng kampo ni Marcos na karapatan ng lahat na mag-organisa.

"For as long as you are exercising your rights within the bounds of the law, sa tingin ko, rerespetuhin 'yan ng kahit sinong demokratikong pamahalaan at pamumuno," sabi ni Vic Rodriguez noong Mayo.


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.