1 patay, 1 arestado sa illegal drugs buy-bust sa Iloilo City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 patay, 1 arestado sa illegal drugs buy-bust sa Iloilo City

1 patay, 1 arestado sa illegal drugs buy-bust sa Iloilo City

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang lalaki habang arestado ang isa pa sa isang illegal drugs buy-bust operation sa Iloilo City nitong ika-29 ng Hunyo 2021. Retrato mula sa Iloilo City Police Station 1

ILOILO CITY - Patay ang isang lalaki habang arestado ang isa pa sa isang illegal drugs buy-bust operation Martes ng gabi sa Barangay North Baluarte sa siyudad na ito.

Nakilala ang namatay na si Daniel Bolante, 29 anyos na residente ng lugar habang arestado naman ang isang lalaking kasamahan nito na kalalabas lang ng kulungan.

Sa imbestigasyon ng Iloilo City Police Station 1, nabilhan ng operatiba ang mga salarin ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa halagang P2,000.

Nang matunugan na pulis ang ka-transaksyon ay biglang tumakbo ang mga suspek.

ADVERTISEMENT

Nabaril si Bolante matapos umanong manlaban, ayon sa awtoridad.

Kaagad na dinala sa ospital ang salarin pero idineklara itong dead on arrival ng doktor matapos magtamo ng tama ng bala sa dibdib.

Nakuha sa posesyon umano ng naarestong suspek ang 3 plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu. Narekober din umano sa lugar ang isang 38 caliber revolver at isang M26 hand grenade.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente, habang kakasuhan sa paglabag ng batas na may kaugnay sa droga, baril, at pampasabog ang nahuling suspek.

— Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.