PatrolPH

Higit P3-M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa 2 buy-bust operation sa Maynila

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2021 06:43 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Higit P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa 2 magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa lungsod na ito na ikinaaresto ng 4 na drug suspect Miyerkoles.

Unang nahulihan ng nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu ang 1 babae sa Pandacan.

Isang follow-up operation naman ang ikinasa kung saan nahuli ang umano’y supplier niya sa Malate.

Nasa higit 300 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa lalaki na malakas umanong magtulak ng droga, ayon sa pulisya.

Nasa P2 milyon ang halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha sa kanya.

Sa Tondo, kumagat din sa buy-bust operation ng Barbosa Police si ang babaeng suspek na si alyas Sarah. Kasama niya ang isa pang babae nang mahulihan ng higit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

Ayon sa Manila Police District, pare-parehong target personalities nila ang mga nahuli at mino-monitor na dahil sa kanilang ilegal na aktibidad.

Iniimbestigahan na rin ang kanilang supplier at kung saan pa ibinabagsak ang mga droga.

Pagbebenta ng ilegal na droga ang kasong isinampa laban sa kanila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.