Higit P6-milyon halaga ng shabu, nasabat mula sa 2 tulak sa Marawi

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2021 01:29 AM

Kuha ng PDEA BARMM

MAYNILA—Higit P6 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Marawi City Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa PDEA BARMM, nahuli nila kasama ng pulis at militar ang 2 suspek na sina alyas Alex at Antik sa naturang operasyon sa Barangay Matampay.

Higit-kumulang 1 kilo ng naturang ilegal na droga ang nahuli sa mga suspek, at ayon kay PDEA BARMM regional director Juvenal Azurin, nasa P6.8 milyon ang halaga ng nasabat na kontrabando, na nakalagay sa isang berdeng plastic teabag.

Nakumpiska din mula sa mga suspek ang isang SUV, mga dokumento, at ilang cellphone.

Kinasuhan na ang mga suspek ng paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.