Paghahanda ng PNP para sa SONA, SK polls puspusan na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paghahanda ng PNP para sa SONA, SK polls puspusan na

Raya Capulong,
ABS-CBN News
Published Jun 19, 2023 09:40 PM PHT

Puspusan na ang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) mahigit isang buwan bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay PNP Public Information Officer chief P/BGen. Redrico Maranan, sa ngayon ay wala silang namomonitor na banta sa seguridad.

"Pinangungunahan yan ng NCRPO (National Capital Region Police Office) sa pamumuno ni Maj. Gen. (Edgar Alan) Okubo, at ayon sa kanilang paghahanda sa SONA ay ipatutupad 'yung gun ban, liquor ban, no-fly zone, road clearing at 'yung ating mga exercises na katulad diyan na marami tayong tinatawag na scenario. Well, sa ngayon ay wala tayong namomonitor na seryosong banta para makaapekto sa paghahanda natin sa SONA," ani Maranan.

Nananawagan naman si Maranan sa mga grupong magsasagawa ng kilos-protesta sa araw ng SONA na makipag-ugnayan muna sa mga awtoridad at kumuha ng permit to rally sa lokal na pamahalaan (LGU).

ADVERTISEMENT
"Ito naman ay lagi na natin ginagawa 'yung coordination meeting bago dumating 'yung SONA at diyan napag-uusapan 'yung mga detalye nang sa gano'n maiwasan natin 'yung mga hindi inaasahang pangyayari," aniya.

"Kapag kumuha sila ng permit ay nadidiscuss doon 'yung mga limitations at kung saan lamang sila dapat naroon, sa freedom parks 'yun lang ang sinasabi ng ating batas na 'yung rally ay nandun sa mga freedom parks. However, kung sila ay papayagan ng LGU sa ilang lugar ay 'yun ay paghahandaan ng PNP at very minimal 'yung magiging epekto nun sa ibang mga tao at maging sa daloy ng trapiko," dagdag ni Maranan.

Barangay at SK elections
Tuloy-tuloy din ang paghahanda ng PNP para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre.

Ayon kay Maranan, nagkaroon ng organizational meeting ang task force na tumututok sa paghahanda sa naturang eleksiyon.

"Noong isang linggo ay nagbigay na ng direktiba ang chief PNP sa lahat ng mga regional commanders na paigtingin ang paghabol, paghuli at pagwasak sa lahat ng mga organized crime groups na maaaring gamitin ng ibang mga tao para maghasik ng kaluguhan sa darating na BSKE," ani Maranan.

Patuloy din aniya ang ugnayan ng mga awtoridad at Comelec para matukoy ang areas of concern at nakikipagtulungan din sila sa mga lokal na opisyal para alamin kung may mga natatanggap silang banta sa buhay.