‘Lawyer’s fee’: Talong, mani ibinigay para sa mga abogado ng Tinang 83 | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Lawyer’s fee’: Talong, mani ibinigay para sa mga abogado ng Tinang 83

‘Lawyer’s fee’: Talong, mani ibinigay para sa mga abogado ng Tinang 83

Rowegie Abanto,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Pagkatapos ng hearing nitong Biyernes sa bayan ng Capas, Tarlac, may mga magsasakang lumapit sa abogadong si Henrie Famorcan Enaje.

Mayroon silang bitbit na malaking plastic bag, at ibinigay ito sa kaniya.

"Para daw sa aming lawyers, harvest nila," sabi ni Enaje sa panayam sa ABS-CBN News. "Pagsilip ko sa malaking bag, bungkos ng maliliit na bag na may talong at mani."

Larawan mula kay Henrie Famorcan Enaje/Facebook
Larawan mula kay Henrie Famorcan Enaje/Facebook

Si Enaje ay isang human rights lawyer at isa sa mga abogado ng tinagurian ngayong "Tinang 83."

ADVERTISEMENT

Sila ay mga magsasakang benipisyaryo ng agrarian reform program at peasant advocates na inaresto noong Biyernes, Hunyo 10, dahil sa umano'y pagsira sa ilang halamang tubó sa isinasagawang "bungkalan" o land cultivation sa Hacienda Tinang sa Tarlac.

Kinasuhan sila ng illegal assembly at malicious mischief dahil dito.

Para sa mga magsasaka, naghihintay na lang sila ng opisyal na paggawad sa kanila ng lupa ngayong buwan.

Sinasaka na nila ang dalawang ektaryang lupa na saklaw ng 200-hectare land na ipamamahagi ng Department of Agrarian Reform.

Noong 1995 pa dapat umano naipamahagi ang sakahan sa 236 benepisyaryo subalit naantala ito nang igawad ito sa ibang kooperatiba.

ADVERTISEMENT

'LAWYER'S FEE'

Itinuring ni Enaje bilang "lawyer's fee" ang mga ibinigay na ani dahil ang mga magsasakang iyon ay kliyente rin niya na ilan sa mga nahuli.

Pansamantalang nakalaya ang Tinang 83 matapos magpiyansa.

LINK https://news.abs-cbn.com/news/06/12/22/mga-magsasaka-estudyanteng-inaresto-sa-tarlac-nakalaya-na

Tantiya ni Enaje, nasa isang kilo ang mga talong at maning ibinigay sa kaniya, na sa tingin niya ay ani nila mismo.

Lahat ng mga abogado para sa Tinang 83 ay nagtatrabaho nang walang bayad o pro bono, aniya.

ADVERTISEMENT

Bagama't pansamantalang nakalaya, may bagong mga kaso laban sa Tinang 83.

"New charges were filed ulit, in connection sa bungkalan. We received copies of the subpoena after the hearing rin," sabi ni Enaje.

Nitong Biyernes, humarap sa Capas Hall of Justice ang Tinang 83 para sa kanilang arraignment sa kasong illegal assembly at malicious mischief.

Ayon kay Atty. Jo Clemente, lead counsel ng Tinang 83, karagdagang 3 kaso ang isinampa laban sa grupo.

— May mga ulat nina Gracie Rutao at Reiniel Pawid, ABS-CBN News

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.