Concepcion Police, nanindigang legal ang paghuli sa 'Tinang 91' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Concepcion Police, nanindigang legal ang paghuli sa 'Tinang 91'

Concepcion Police, nanindigang legal ang paghuli sa 'Tinang 91'

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 12, 2022 12:45 PM PHT

Clipboard

Muling nanindigan ang hepe ng Concepcion Municipal Police Station sa Tarlac na legal at walang nangyaring pang-aabuso sa mga magsasaka at land reform advocates na hinuli sa isang bukid sa Barangay Tinang nitong Huwebes.

“Wala pong human rights abuse doon, actually kinausap natin sila ng matiwasay ng mahusay eh, ilang negotiations pa po yung ginawa natin, na kung maaari ipatigil nila yung ginagawa nilang paninira sa tubuhan. Ilang beses po yun na sinubukan namin i-negotiate namin siguro dalawa hanggang tatlong beses," ani Concepcion Police chief Lt. Col. Reynold Macabitas.

"Pero despite of that ayaw nilang itigil, bagkos sumisigaw pa sila, yung mga leaders at estudyante, anong gagawin anong gagawin natin siyempre may sinisirang property may complainant tayo.”

Taliwas ito sa alegasyon ng abugado ng mga inaresto.

ADVERTISEMENT

“Itong mga pulis na ito ang daming mga ginawang pambubugbog nawalan ng iba ng mga gamit, yung journalist na hinablot ng cellphone hindi na niya nakuha, tapos yung mga journalist na dapat hindi naman kasama sa kaso, kasama silang kinasuhan 3 ngayon, 13 sila na nagco-cover lang," anang legal counsel na si Atty. Jobert Pahilga.

Ayon sa Concepcion MPS, 8 sa 91 ang narelease para sa karagdagang imbestigasyon samantalang ang natitirang 83 ay mananatili sa kustodiya ng PNP habang sila ay hindi pa nakakapagpiyansa

Sa dami ng mga hinuli, nagsisiksikan ang mga ito sa police station, ang iba nasa garahe, nasa kusina, pero wala silang magawa dahil kulang umano ang pampiyansa sa 83 na nakasuhan.

“Kulang na kulang yung aming pondo, kasi P3,320,000 ang kakailanganin namin dun sa 83," ani Pahilga.

Dagdag pa ng grupo, handa silang magsampa ng counter charges laban sa mga pulis at sa kooperatiba.

“Definitely, definitely pero ike-clear lang muna namin yung release ng 83 na ito, maraming mga lawyers na nagvo-volunteer ngayon, gustong tumulong so definitely after na ma-release namin itong mga magsasaka at mga supporters, at mga advocates na ito, magfi-file kami ng counter charges sa kania sa mga pulis at mga taga-kooperatiba na ito marami silang kasong kakaharapin sa amin," ani Pahilga.

Ayon naman sa PNP, 12 lang sa 83 na nasampahan ng kaso ang mga lehitimong magsasaka at karamihan sa mga nahuli ay galing sa ibang lugar, partikular na sa Metro Manila.

“Naprofile na namin yan, 12, so the rest hindi na tiga-Tinang, the rest yung hindi taga-Tinang kasama na yun ng mga grupo ng mga estudyante kuno, mga researchers na galing sa iba't-ibang lugar," ani Macabitas.

"'Yun nga po ang nakapagtataka diyan hindi naman sila kasama doon sa beneficiaries na dapat na nagpoprotesta nagtataka kami bakit nandodoon sila yung presensya nila ang nakapagtataka," dagdag niya.

Inamin naman ng kabilang grupo na 12-13 lang ang mga magsasaka sa mga nadakip pero student journalist at artists na nagsasagawa ng research at nag-iinterview ng magsasaka doon ukol sa land dispute.

-- Ulat ni Gracie Rutao

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.