91 magsasaka, land reform advocates kinasuhan matapos arestuhin sa Tarlac | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
91 magsasaka, land reform advocates kinasuhan matapos arestuhin sa Tarlac

ABS-CBN News
Published Jun 10, 2022 09:34 PM PHT

MAYNILA — Sinampahan ng kasong malicious mischief at illegal assembly nitong Biyernes ang 91 magsasaka at land reform advocates na inaresto noong Huwebes sa Concepcion, Tarlac.

Isinailalim sa inquest proceedings ang higit 90 indibidwal na dinampot sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac. pic.twitter.com/MOEZ7cLUbU
— TV Patrol (@TVPatrol) June 10, 2022

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, giniba umano ng mga nahuli ang mga tanim na tubo sa nasabing lugar na pag-aari ng Agriculture Cooperative. Rumesponde lang daw ang mga pulis sa reklamo ng may-ari ng lupa.

Lumaban umano ang mga nahuli at pilit na hinaharangan ang mga pulis.

“Yung ginawa namin is a purely police operation lang… may sumbong sa atin na may destruction ng property sa isang barangay, nagresponde lang ang pulis natin," anin Lt. Col. Reynold Macabitas, hepe, ng Concepcion police.

JUST IN: 83 out of 91 arrested in #HaciendaTinang will be charged with illegal assembly with recommended bail of P36,000 each, and malicious mischief with recommended bail of P3000 each. Whole group would need P3.2 million for bail alone. @ABSCBNNews
— Jervis Manahan (@JervisManahan) June 10, 2022

Kasalukuyang nasa kustodiya pa rin ng Concepcion Municipal Police Station sa probinsya ng Tarlac ang 91 magsasaka at land reform advocates.

Ayon sa PNP, walang anumang pang-aabuso sa karapatang pantao ang nangyari.

“Karapatan nila yun, kung may counter-charges sila wala naman problema po yun pero kami dun sa ginawa namin, alam namin lawful yung ginawa namin," ani Macabitas.

Nauna nang sinabi ng ilang human rights groups na ilegal umanong dinakip ng mga pulis ang mga magsasaka at land reform advocates. Nagsasagawa lang umano ng collective farming activity ang grupo nang bigla silang hulihin.

Kabilang ang mga nahuling magsasaka sa listahan ng agrarian reform beneficiaries sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Sinasaka nila ang 2 ektaryang lupa na saklaw ng 200-hectare land na ipamamahagi ng Department of Agrarian Reform.

Noong 1995 pa dapat naipamahagi ang sakahan sa 236 benepisyaryo subalit naantala ito nang igawad ito sa ibang kooperatiba.

—Ulat ni Gracie Rutao
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT