NDRRMC: Mga lumikas dahil sa pagputok ng Bulkang Bulusan, nagsiuwian na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
NDRRMC: Mga lumikas dahil sa pagputok ng Bulkang Bulusan, nagsiuwian na

Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Jun 18, 2022 05:42 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MAYNILA - Nagsi-uwian na ang lahat ng lumikas sa Juban, Sorsogon dahil sa paga-alboroto ng Bulkang Bulusan, ayon sa opisyal ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NCRRMC) nitong Sabado.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, umabot sa 44,000 katao ang naapektuhan sa huling pagputok ng bulkan na nabigyan naman umano ng mga kaukulang ayuda.

Nasa 179 na pamilya o 602 na indibidwal naman ang inilikas as of noong Martes per nagsi-uwian na umano ang mga ito.

Sa ngayon ay tahimik na ang bulkan, dagdag ni Timbal.
Sa ngayon ay tahimik na ang bulkan, dagdag ni Timbal.
ADVERTISEMENT
“So far wala na po tayong mga evacuee kasi nagsi-uwian na ‘yung mga nag-evacuate na pamilya diyan sa municipaliy ng Juban," ani ng opisyal.

Patuloy naman na bina-validate ng NDRRMC ang balitang may COVID-19 symptoms ang ilang residenteng nailikas.

Base sa report ng isang pahayagan, nasa 200 umano ang inoobserbahan matapos may magpositibo sa COVID-19 sa evacuation center.

Pero sabi ni Timbal, kinukumpirma pa ang datos. Fully vaccinated na rin daw ang karamihan sa mga inilikas na residente.

"When it comes to our COVID-19 monitoring, we’re still waiting po kung mayroon nga talagang nagpakita ng sintomas diyan sa area. Pero automatic, ang ating arrangement na kapag ganiyan po na nagpakita ng sintomas ng sakit, kaagad pong ina-isolate po iyan at iyong mga naging contact po niya ay sinusuri din kaagad, ina-isolate din para masigurado po natin na hindi kumalat iyong sakit," aniya.

"Informed naman po tayo na marami po doon sa mga kababayan natin ay nabakunahan na doon sa area so we’re hoping po na ma-control po natin, na-control po kaagad ng local government unit natin iyong incident na iyon," dagdag niya.

Pumutok muli noong Linggo ang Mt. Bulusan, na nakaapekto sa nasa 12 barangay sa Juban, Sorsogon.

Ito na ang ikalawang pagputok ng bulkan sa loob ng nakalipas na halos 2 linggo.

— May ulat ni Job Manahan, ABS-CBN News
Read More:
coronavirus
COVID-19
COVID19
Mark Timbal
Mt. Bulusan
Bulusan
Sorsogon
news
regional news
local news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT