Barangay chairman sa Bulacan patay matapos pagbabarilin ang sasakyan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Barangay chairman sa Bulacan patay matapos pagbabarilin ang sasakyan

Champ de Lunas,
ABS-CBN News
Published Jun 17, 2023 08:44 AM PHT
|
Updated Jun 17, 2023 08:54 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
BULACAN — Patay ang isang barangay chairman sa Norzagaray, Bulacan matapos pagbabarilin ang kaniyang sasakyan ng hindi pa nakikilalang salarin nitong Biyernes.

Nasa loob ng sasakyan ang punong barangay nang paputukan sa isang subdivision sa Barangay Partida. Tinamaan siya sa ulo at katawan.

Binawian na siya ng buhay nang dumating ang mga rumespondeng pulis pasado alas-7 ng gabi.

Base sa paunang imbestigasyon ng Norzagaray Municipal Police Station, pauwi na noon sa kanilang bahay ang biktima.
Base sa paunang imbestigasyon ng Norzagaray Municipal Police Station, pauwi na noon sa kanilang bahay ang biktima.
ADVERTISEMENT
Narekober sa crime scene ang 4 na basyo ng bala.

"Kasalukuyan natin ginagawa natin 'yan, ang pagba-backtrack sa CCTV. Naghahanap din tayo ng possible witness para mabigyang-linaw po 'yung nangyaring insidente. We are also looking at all angles possible sa nangyaring insidente," sabi ni Lt. Col. Lynelle Solomon, acting chief of police ng Norzagaray.

Ayon kay Solomon, walang nabanggit ang pamilya na may nakaaway o kaaway ang kapitan.

Nagkalat na rin ng checkpoints sa bayan.

Nagpahayag si Norzagaray Mayor Merlyn Germar ng pakikiramay sa pamilya ng kapitan at nanawagan ng hustisya sa pagpaslang.