Home > News Lalaki patay sa pamamaril sa Batasan Road Nico Bagsic, ABS-CBN News Posted at May 31 2023 06:26 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA—Isang lalaki ang patay matapos siya pagbabarilin sa Batasan Road sa Quezon City, Martes ng gabi. Wala pang pagkakakilanlan ang biktima na natagpuang nakabulagta sa sidewalk at wala nang buhay. Nasa 5'6 ang taas nito, tinatayang nasa 40 hanggang 45 anyos at nakasuot ng gray T-shirt at pants. Ayon sa isang nagtitinda malapit sa pinangyarihan ng krimen, nang makarinig siya ng mga 4 na putok ng baril, iniwan niya ang tinitindang pagkain at tumakbo para magtago dahil sa takot. Hindi naman niya napansin ang biktima sa lugar bago mangyari ang insidente dahil madilim sa lugar ng pinangyarihan ng krimen at puro sasakyang nakaparada. Dalawang suspek ang pinaghahahanap ngayon ng QCPD. Mabilis umano ang mga ito na tumakas matapos ang pamamaril gamit ang isang van na walang plaka. Ayon naman sa imbestigasyon ng pulisya, may nakuhang 4 na basyo ng bala sa crime scene, at kalibre .45 ang ginamit na baril. Walo ang tama ng biktima sa katawan, dalawa sa dibdib, dalawa sa likod, tatlo sa kili-kili at isa sa ulo. Nakuha naman ang isang cellphone na malapit sa katawan ng biktima. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente kung saan titingnan nila kung may makukuhang impormasyon sa nakuhang cellphone at sa mga CCTV sa kalapit na mga kalsada ng crime scene. Inaalam pa ng QCPD ang motibo sa pamamaril. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: Batasan Road Quezon City pamamaril patay