Bakit napili ni Sara Duterte na manumpa kay SC Justice Hernando? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bakit napili ni Sara Duterte na manumpa kay SC Justice Hernando?

Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Jun 15, 2022 03:00 PM PHT

MAYNILA — Ipinaliwanag ni Vice President-elect Sara Duterte ngayong Miyerkoles kung bakit niya napiling manumpa kay Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando sa kaniyang inagurasyon sa Hunyo 19.

"He is a former professor. He and his wife are my good friends for over 10 years," sabi ni Duterte sa isang text message.

Bagong Biblya aniya na regalo sa kanilang pamilya ang gagamitin niya sa panunumpa.

Bago ang inagurasyon sa hapon, mananatili lang sa kanilang bahay sa Davao City si Duterte.

ADVERTISEMENT
Napili niya ang San Pedro Square bilang venue ng kanyang oath-taking.

"It is in between the City Hall and San Pedro Cathedral," paliwanag niya.

Ang "Mindanao Alumni Chorale" naman ang napiling kakanta sa programa dahil ayon sa VP-elect, sinisimbolo nito ang Davao at Mindanao.

Pagdating sa kanyang kasuotan, si Silverio Anglacer ang nagdisenyo nito. Ayon pa kay Duterte, wala siyang planong magsuot ng ano mang alahas na maituturing na "family heirloom."

KAUGNAY NA ULAT
Read More:
Tagalog news
regions
regional news
Sara Duterte
Davao
Mindanao
politics
inauguration
Sara Duterte inauguration
Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT