Higit 100 sumilong sa NAIA Expressway pauwi na sa kanilang mga probinsiya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 100 sumilong sa NAIA Expressway pauwi na sa kanilang mga probinsiya

Higit 100 sumilong sa NAIA Expressway pauwi na sa kanilang mga probinsiya

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Higit 100 locally-stranded individuals na noo'y sumilong sa expressway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pauwi na sa kani-kanilang mga probinsiya, sabi ngayong Lunes ng Philippine Coast Guard (PCG).

Karamihan umano sa nasa 150 locally-stranded individuals ay patungong Davao City at General Santos City.

Sinundo ng mga bus ng PCG ang mga na-stranded mula Villamor Air Base sa Pasay at ibiniyahe hanggang Port Area ng Maynila, kung saan sila isinakay sa BRP Gabriela Silang.

Tiniyak ni Coast Guard Commandant Vice Admiral George Usabia Jr. na ipagkakaloob sa mga na-stranded ang lahat ng kanilang pangangailangan sa loob ng 2 araw na biyahe pauwi. Kabilang umano rito ang pagkain at kumportableng lodging sa barko.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Ursabia, mayroon ding medical personnel na sakay ang barko para matiyak na mapapanatiling ligtas at COVID-19-free ang mga pauwi ng probinsiya.

Wala rin umanong gagastusin ang mga na-stranded sa kanilang pag-uwi sa mga probinsiya dahil sagot ng gobyerno ang pasahe at pagkain.

-- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.