Daan-daang stranded sa NAIA Expressway inabutan ng tulong | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Daan-daang stranded sa NAIA Expressway inabutan ng tulong

ABS-CBN News
Published Jun 13, 2020 05:10 PM PHT
|
Updated Jun 13, 2020 07:29 PM PHT

MAYNILA - Enero 2020 nang lumuwas ng Maynila mula sa bayan ng Laak, Davao Del Oro, ang overseas Filipino worker na si Juvelyn Mamac para ayusin ang papeles pabalik ng Saudi.

Pero dito na siya sa Pilipinas inabutan ng lockdown, kaya’t imbes na flight pa-Saudi ang booking, pabalik na lang ng Mindanao ang kinuha niyang ticket.

"Gusto naming babalik sana muna kami sa probinsya kasi ang hirap dito, para makasama namin ang anak namin,” ani Mamac, na maging ang pocket money dapat pabalik ng Saudi, naubos na rin.

“ ’Yung pamilya namin padala nang padala tapos siyempre kulang ’yung allowance na binibigay nila.”
“ ’Yung pamilya namin padala nang padala tapos siyempre kulang ’yung allowance na binibigay nila.”
ADVERTISEMENT
Ang nanay na si Rosy Gran, kasamang na-lockdown ang anak.

Sinundo niya ang anak sa Maynila noong Enero para sabay sana silang umuwi ng Davao, pero dito na rin sila inabutan ng lockdown.

Pansamantala silang nanirahan sa isang kamag-anak sa Maynila, pero dahil wala silang panggastos, nagbakasakali silang pumunta sa airport para ayusin ang tiket na limang beses na-kansela.

“Tinawagan ko ’yung binilhan ko ng ticket. February dapat kami uuwi. ’Yung papa n’ya gusto na talaga pauwiin kasi ’yun nga ’yung nag-COVID. Hindi ako makatulog sa gabi kasi mahirap talaga dito,” ani Gran.

Sa Villamor Airbase Elementary School pansamantalang nananatili sina Mamac at Gran, kasama ang mahigit 300 pang pasahero habang naghihintay ng kanilang biyahe.

Hinatiran sila ng ABS-CBN Sagip Kapamilya ng pagkain bilang tulong para mairaos ang gutom habang naghihintay ng mga flight pabalik ng kanilang kinaroroonan.

“Ito pong pagkain para sa amin malaking tulong ito para matustusan ang gutom namin. Mga binibigay na banig at kumot kasi ang hirap matulog kapag wala banig kasi malamig eh,” ani Mamac. -- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
TV Patrol Top
coronavirus
COVID-19
coronavirus Philippines update
COVID
coronavirus disease Philippines
COVID-19 Philippines update
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT