Daan-daang sumilong sa NAIA Expressway dinala na sa ibang pasilidad | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Daan-daang sumilong sa NAIA Expressway dinala na sa ibang pasilidad

ABS-CBN News
Published Jun 12, 2020 01:29 PM PHT
|
Updated Jun 12, 2020 07:55 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) - Dinala na sa covered court ng Villamor Air Base Elementary School ang daan-daang pasahero na sumilong sa ilalim ng expressway ng Ninoy Aquino International Airport habang hinihintay ang kanilang flights.

More stranded passengers who found shelter under the airport expressway in Pasay City were brought to Villamor Air Base Elementary School this morning. Authorities will now cordon off the camping area. pic.twitter.com/SwFkT8h3DS
— Michael Joe Delizo (@michael_delizo) June 12, 2020

Gabi ng Huwebes nang sunduin ng mga taga-Philippine Coast Guard at Pasay City police ang mga na-stranded.

Pinalista ang kanilang mga detalye at tiningnan ang kanilang mga dokumento gaya ng travel authority at medical certificate.

Tiningnan din ang kanilang flight tickets.

ADVERTISEMENT
Bumubuhos naman ang mga donasyong pagkain sa mga na-stranded.

Ilan sa mga na-stranded ay iyong nabigo sa pag-a-apply ng trabaho sa ibang bansa.

May mga nagtrabaho sa Luzon pero hindi na nakauwi agad ng probinsiya nang abutan ng lockdown.

Sa ngayon, kokordonan na ang ilalim ng expressway para hindi na masilungan ng mga tao.

Magmula nitong Biyernes, may mga nagsisidatingan pa na hindi pa nakakapasok sa loob ng pasilidad.
Magmula nitong Biyernes, may mga nagsisidatingan pa na hindi pa nakakapasok sa loob ng pasilidad.
ADVERTISEMENT
Kailangan pa raw kasi silang isailalim sa rapid tests bago isama sa mga nai-check in pa.

May ilang airlines na rin na dumating sa covered court para asikasuhin ang booking ng mga na-stranded na pasahero.

Kabilang dito ang AirAsia na nagpalipad na ng ilang stranded na pasahero umaga ng Biyernes.

Susubukan namang i-rebook nang libre ng Cebu Pacific ang mga nasa 300 pasahero nilang nakapag-book bago pa ang lockdown

Iimbestigahan na rin ng Department of Transportation ang ilang manning agency na umano’y dinadala ang mga kliyente nilang na-stranded sa ilalim ng expressway.

"Nakuha po namin ang mga pangalan kaya binabalaan namin kayo huwag niyo ho gawin 'yan, panatilihin at alagaan ang kliyente niyo na kinuha niyo pa sa mga probinsya para gawing OFW sana pagkatapos pababayaan niyo sa gitna ng ganitong sitwasyon. Katakot-takot na kaso po ang isasampa namin dito,” ani Transportation Assistant Sec. Eymard Eje.

-- Ulat nina Michael Delizo, Jacque Manabat, at Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
coronavirus
COVID-19
coronavirus Philippines update
COVID
coronavirus disease Philippines
COVID-19 Philippines update
stranded
expressway
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT