Unang bugso ng pagbabakuna sa mga manggagawa umarangkada na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Unang bugso ng pagbabakuna sa mga manggagawa umarangkada na

ABS-CBN News
Published Jun 07, 2021 03:38 PM PHT
|
Updated Jun 07, 2021 08:04 PM PHT

MAYNILA — Umarangkada na nitong Lunes ang pagbabakuna sa mga Pilipinong kabilang sa A4 priority list, kung saan pasok ang mga manggagawa o economic frontliners.

50 individuals under the A4 priority group or economic frontliners are scheduled to be vaccinated against #COVID19 this morning in a ceremonial vaccination for the said sector at the SM Mall of Asia in Pasay City | via @VivienneGulla pic.twitter.com/ZaP7FJLGsK
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) June 7, 2021

Sa isang "symbolic vaccination" na isinagawa sa isang mall sa Pasay City, unang naturukan ang ilang food industry workers, isang mamamahayag, isang truck driver, ilang BPO personnel, isang food delivery rider, and isang sales clerk.

Ilan lamang sila sa nasa 30 milyong kabilang sa kategoryang A4.

Sa isang taped message, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tila papalapit na ang katapusan ng kalbaryo ng bansa sa COVID-19 sa pagtalon ng vaccination sa bagong kategorya.

"We can now see the light at the end of the tunnel as the vaccine shipments have arrived, have started to arrive in bulks... With the start of our mass vaccination, the A4 priority category, our workers in both public and private sector, will have an added layer of protection against the disease," ani Duterte.

Sabi naman ng labor group na Defend Jobs Philippines (DJP), magandang balitang nag-uumpisa na ang pagbakuna sa economic frontliners pero kulang pa rin umano ang suplay at mabagal pa ang rollout ng mga bakuna sa bansa.

Ani DJP spokesman Christian Magsoy, makatutulong ang A4 vaccination para mapaluwag na ang mga restriction sa mga negosyo at makapagbigay-proteksyon sa mahigit 30 milyong kabilang sa kategorya.

Pero dapat din umanong palakasin ng pamahalaan ang information drive para matanggal ang takot ng taumbayan sa bakuna.

Nananawagan naman ang DJP sa gobyerno na bumuo ng sistemang titiyak sa kompensasyon sa mga manggagawa sa mga araw na liliban sila sa trabaho para sa pagbabakuna o kung magkaroon sila ng adverse effects.
KAUGNAY NA VIDEO

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
bakuna
vaccine
pandemya
vaccination
vaccine rollout
DOH
A4 priority group
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT