ALAMIN: Ilang pagbabago sa 'priority categories' sa pagbabakuna | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Ilang pagbabago sa 'priority categories' sa pagbabakuna

ABS-CBN News
Published May 28, 2021 07:18 PM PHT

MAYNILA — Nitong Biyernes ay inilabas ng pamahalaan ang ilang rebisyon sa mga priority groups o pagkakasunod-sunod ng mga indibidwal na babakunahan.

Inangat na mula A4 sa A1 priority group ang mga frontline tourism worker, kabilang ang mga nagtatrabaho sa mga hotel na nagsisilbing quarantine o isolation facilities.

Paliwanag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, gaya ng health workers, tuluy-tuloy din sa pagtatrabaho ang mga frontline tourism worker sa mga accommodation establishment.

"Matagal na naming pinaglalaban na masama sa A1 ang tourism workers, lalo ang nagtatrabaho sa quarantine hotels... A lot of our hotel workers lived in the hotels. Every day, they are exposed to possible COVID positives," ani Puyat.

Sa ngayon, halos 2,500 sa nasa 28,000 na mga nagtatrabaho sa mga quarantine hotel ang nabakunahan na, batay sa datos ng DOT.

Samantala, sakop na rin sa A4 priority group lahat ng manggagawang kailangang lumabas ng bahay at pumasok sa opisina araw-araw.

Kabilang sa A4 priority group:
- Private sector workers required to be physically present at their designated workplace outside their residences
- Employees in government agencies and instrumentalities, including government-owned and controlled corporations and local government units
- Informal sector workers and self-employed who may be required to work outside their residences, and those working in private households

Unang iro-rollout ang A4 vaccination sa NCR, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Rizal, batangas, Metro Cebu at Metro Davao.

Pero ayon sa BPO Industry Employees Network (BIEN), tila hindi nakasama ang mga work-from-home workers.

"Malaki ang ambag ng mga work-from-home workers para hindi matigil ang ekonomiya ng Pilipinas, sana wag naman silang kalimutan... Hindi sila makakabalik sa trabaho kung hindi babakunahan," sabi ni Arcy Parayno, opisyal ng grupo.

Paliwanag naman ng Metro Manila Council, inuuna lang ang mga manggagawang pinakamataas ang exposure sa COVID-19.

—Ulat nina Bianca Dava at Zen Hernandez, ABS-CBN News