P2.2M halaga ng ilegal na droga nasabat sa Bulacan, Pampanga | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P2.2M halaga ng ilegal na droga nasabat sa Bulacan, Pampanga

Lyza Aquino,
ABS-CBN News
Published Jun 02, 2021 06:41 AM PHT

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang 4 na umano'y tulak ng droga, matapos silang kumagat sa buy-bust operation ng Bulacan PPO sa Barangay Muzon, lungsod ng San Jose Del Monte kamakailan.

Ayon kay Police Brig. Gen. Valeriano De Leon, Central Luzon PNP regional director, 3 lalaki at 1 babae ang inaresto sa operasyon.

Pawang mga taga-San Juan del Monte ang mga suspek na nagbabagsak umano ng droga sa iba-ibang barangay sa lungsod.

Gamit ang boodle money ay positibong nakipag-transaksyon ang poseur-buyer sa mga suspek. Nakumpiska sa kanila ang 14 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1.3 million.

ADVERTISEMENT
Samantala, sa Pampanga, isang 35-anyos na lalaki ang nasakote ng pulisya sa buy-bust operation sa Barangay Sta Rita, bayan ng Minalin.

Residente ng Barangay Project 6 sa Quezon City ang suspek at dumarayo umano sa Pampanga para magbagsak ng malaking halaga ng mga hinihinalang marijuana.

Nakabili ng P2,000 halaga ng umano'y marijuana ang poseur-buyer, bago inaresto ng pulisya ang lalaki.

Nakuhanan siya ng 11 rolled plastic wrap ng mga hinihinalang marijuana na may bigat na 8,000 gramo at nasa halagang P960,000.