PatrolPH

Nasa halos P1.4-M halaga ng 'shabu', nakuha sa 4 na suspek sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2021 09:30 PM

Apat na sangkot umano sa pagbebenta ilegal na droga ang hinuli ng San Jose Del Monte, Bulacan Police sa Sitio Camandalaan, Barangay Muzon, City of San Jose del Monte, Bulacan nitong Martes.

Inaresto sina alyas Dennis, 36 anyos, alyas Irene, 31 anyos, alyas Ronald, 47 anyos na driver at alyas David, 30 anyos na mekaniko. 

Bukod ng sachet ng hinihinalang shabu na nabili ng police poseur buyer, nakumpiska pa sa 4 na suspek ang 14 sachet ng hinihinalang shabu na nasa 205 gramo ang kabuuang bigat at tinatayang P1,394,000 ang street value. 

Nakuha rin ang boodle money at digital scale sa mga ito.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang apat na suspek.


- ulat ni Gracie Rutao

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.