PatrolPH

P4.3-M halaga ng shabu nakuha sa suspek sa QC

ABS-CBN News

Posted at May 31 2021 07:43 PM

P4.3-M halaga ng shabu nakuha sa suspek sa QC 1
Ebidensiyang nakuha sa anti-drug operation sa Quezon City noong Mayo 30, 2021. Retrato mula sa Philippine National Police Drug Enforcement Group

Nasa P4.3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang lalaki sa Quezon City noong Linggo, ayon sa pulisya.

Sa buy-bust operation sa Don Antonio Heights South naaresto ang target na si alyas "Leds," ayon sa Philippine National Police Drug Enforcement Group.

Binentahan umano ng suspek ang isang poseur-buyer ng 50 gramo ng shabu. Nakuha pa sa kaniya ang 21 sachet na may bigat na 590 gramo.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

-- Ulat ni Gracie Rutao

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.