P149-M halaga ng hinihinalang shabu, kumpiskado sa Pasig; 2 suspect patay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P149-M halaga ng hinihinalang shabu, kumpiskado sa Pasig; 2 suspect patay

ABS-CBN News
Published May 10, 2021 06:28 AM PHT

Patay ang 2 drug suspect nang mauwi sa engkwentro ang isang buy-bust ng PNP drug enforcement group nitong Linggo ng gabi.

Nakipagkita ang target ng operasyon na si Arthur Abdul sa bakanteng lote sa Axis Road, Barangay Kalawaan, Pasig City sakay ng isang kotse.

Pero ayon kay Police Col. Glen Gonzales ng PDEG, humugot ng baril ang suspek at ang kasama niyang lalaki nang makatunog na pulis na ang kanilang katransaksyon.

Big time na distributor ng ilegal na droga si Abdul, ayon sa pulisya na konektado umano sa drug suspect na inaresto sa Cavite noong Abril.

Kasama siya sa listahan ng drug personalities dahil sa umano'y talamak na pagbebenta niya ng shabu sa NCR, Region 3 at Region 4A.

Abot sa 22 kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa operasyon na nasa P149.6 million ang halaga.

Nakasilid ang mga ito sa Chinese tea bag na, ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, ay posiblen umanong kasama ito sa mga nakalusot na shabu na nasa parehong packaging noong nakaraang 2 taon.

Kinumpirma ring nanggagaling ang suplay sa isang alyas Bating na bodegero ng isang Chinese national.

Narekober naman ang isang calibre 45 pistol at calibre 380 pistol na ginamit umano ng mga suspek sa engkuwentro.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng lalaking kasama ni Abdul na napatay sa operasyon. — Lady Vicencio, ABS-CBN News