P1 milyon halaga ng shabu kumpiskado, 3 timbog sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at May 09 2021 01:47 PM

Ebidensiyang nakuha sa anti-illegal drug operation sa Tondo, Maynila, Mayo 8, 2021. Retrato mula sa Philippine National Police-Public Information Office

MAYNILA — Aabot sa higit P1 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Maynila nitong Sabado, kung saan naaresto rin ang 3 tao.

Nahuli ang mga suspek, na may edad 37 hanggang 38, matapos nilang bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Barangay 124, Tondo, ayon sa ulat ng Philippine National Police.

Nakuha sa 3 ang nasa 150 gramo ng shabu na nagkakahalagang P1,020,000, at isang baril, sabi ng pulisya.

Mahaharap umano ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa pahayag, iginiit naman ni bagong PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na paiigtingin niya ang mga anti-illegal drug operation sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.