Pulis na idinadawit sa ilegal na pagbenta ng armas, patay sa entrapment sa Albay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis na idinadawit sa ilegal na pagbenta ng armas, patay sa entrapment sa Albay

Pulis na idinadawit sa ilegal na pagbenta ng armas, patay sa entrapment sa Albay

ABS-CBN News

 | 

Updated May 08, 2021 11:28 PM PHT

Clipboard

Patay ang isang pulis matapos mauwi sa engkuwentro ang entrapment operation laban sa kaniya sa bayan ng Daraga, Albay umaga ng Biyernes.

Kinilala ang pulis bilang si Police Cpl. Joel Tualla ng Polangui police station.

Ayon kay Police Lt. Col. Ronnie Fabia, hepe ng Daraga Municipal Police Station, nakatanggap umano sila ng ulat na nagbebenta ng hindi lisensiyadong baril si Tualla.

Sa kalagitnaan ng entrapment ay bigla na lang umano itong nagpaputok ng baril nang makatunog na pulis ang katransaksiyon nito.

ADVERTISEMENT

Aabot sa P44,000 ang halaga ng ibinebentang baril ng suspek.

Nakaligtas naman ang isang pulis matapos tamaan ng bala sa likod dahil nakasuot siya ng bulletproof vest.

May mga narekober din umanong hinihinalang droga kay Tualla.

— Ulat ni Karren Canon

PANOORIN:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.