PatrolPH

4 patay sa engkuwentro sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2021 09:25 AM

4 patay sa engkuwentro sa Pampanga 1
Nakasakay na pulang sasakyan ang grupo ng mga armadong kalalakihan na nakipagbarilan sa mga pulis sa Pampanga. Larawan mula sa Pampanga Police Provincial Office

Patay ang apat na armadong kalalakihan matapos makipagbarilan sa mga pulis sa boundary ng Barangay Calulut at Malpitic sa siyudad ng San Fernando, Huwebes ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakatanggap ng ulat ang awtoridad hinggil sa isang pulang kotse na may mga sakay umanong grupo ng armadong lalaki.

Sa road blocking ng awtoridad, pinara ang nasabing kotse pero imbes na magmenor, nakipagpalitan pa umano sila ng putok ng baril sa mga pulis na nauwi sa pagkamatay ng apat na suspek. Nakatakas naman ang dalawa nilang kasamahan.

Narekober sa crime scene ang kalibre .45 at 9mm na baril.

Inaalam pa sa ngayon ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspek at ang mga kasamahan nilang nakatakas.

- Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.