Hinihinalang lider ng grupo ng mga kriminal, patay sa engkuwentro sa Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Hinihinalang lider ng grupo ng mga kriminal, patay sa engkuwentro sa Maynila

ABS-CBN News
Published Apr 13, 2021 02:44 PM PHT

MAYNILA — Patay ang isang lalaking sinasabing lider ng isang grupo ng mga kriminal matapos makipagbarilan sa mga umaarestong pulis sa lungsod na ito, sabi ngayong Martes ng mga awtoridad.

Ayon sa Manila Police District (MPD), magsisilbi sana sila ng arrest warrant para sa kasong murder laban kay Rommel Tiatco, 20, sa bahay nito sa Tondo district.

Pero nagpaputok umano ng baril ang suspek na nauwi sa engkuwentro.

Itinakbo pa sa ospital si Tiatco pero idineklara ring dead on arrival.
Itinakbo pa sa ospital si Tiatco pero idineklara ring dead on arrival.
ADVERTISEMENT
Si Tiatco ay lider umano ng crime group na dawit sa mga basag-kotse at holdapan sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya, sabi ni MPD Director Brig. Gen. Leo Francisco.

Siya rin umano ang suspek sa pagpatay sa pulis-Maynila na si Danreb Cipriano noong Oktubre 15, 2020 sa Tondo.

Narekober ang baril na ginamit ng suspek.

Patuloy naman umano ang pagtugis ng mga awtoridad sa ibang miyembro ng grupo ni Tiatco.

-- Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
metro
metro crime
krimen
Maynila
Tiatco Crime Group
shootout
engkuwentro
arrest
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT