Mga paratang ni 'Bikoy' iimbestigahan ng Senado | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga paratang ni 'Bikoy' iimbestigahan ng Senado

ABS-CBN News
Published May 07, 2019 08:49 PM PHT

Iimbestigahan ng Senado sa Biyernes ang mga paratang ni alyas "Bikoy," na nagdadawit sa mga miyembro ng pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pangangalakal ng ilegal na droga.

Sa isang text message ngayong Martes, sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na idaraos ang imbestigasyon alas-9:30 ng umaga.

Nagpadala na raw ng imbitasyon kay Peter Joemel Advincula, ang lalaking lumantad noong Lunes sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) at nagpakilalang si alyas "Bikoy."

"The committee is sending out today a formal invitation letter to Advincula through the IBP since it was the last known link to him and they may have knowledge of how to relay the invitation to him," sabi ni Lacson.

ADVERTISEMENT
Pinamagatang "Totoong Narco-list" ang mga YouTube video na nagtatampok kay "Bikoy," na umano ay nagtatago ng mga financial record ng mga sindikato ng drogang may kaugnayan sa pamilya ni Duterte.

Ayon pa kay Lacson, nagsasagawa na sila ng background check kay Advincula.

Para kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, wasak na ang kredibilidad ni Advincula lalo at dati na itong kinasuhan at nakulong.

"Convicted pala siya tapos marami pang kaso," ani Panelo.

Ayon pa kay Panelo, may nilulutong pasabog ang mga imbestigador ng Philippine National Police tungkol kay "Bikoy."

Bukod pa umano sa mga abogado at mamamahayag na kasama sa "Oust Duterte" matrix, may ilang personalidad na nagpapagalaw kay "Bikoy" para pabagsakin ang pangulo.

"Very obvious na it's a black propaganda and it's also obvious that he's only being, parang ano lang siya dito, pawn, ginagamit," ani Panelo.

Nauna nang sinabi ni Advincula na wala siyang kilala sa mga naakusahan kamakailan na nagbabalak patalsikin si Duterte.

Sinabi rin ni Advincula na wala siyang koneksiyon sa kahit anong political party o sa Otso Diretso na sinusuportahan ng Liberal Party.

Hinahanap naman ng National Bureau of Investigation (NBI) kung nasaan si Advincula matapos umalis agad sa IBP kasunod ng kaniyang paglantad.

Layon ng NBI na padalhan ng subpoena si Advincula para magpaliwanag.

Balak na lang umano ng NBI na ipadala ang imbitasyon sa huling address ni Advincula.

Base naman sa record check ng NBI, hindi bababa sa 8 ang kaso ni Advincula, karamihan ay estafa at illegal recruitment.

Sa isang Facebook post, hinamon naman ni presidential son at dating Davao City vice mayor Paolo Duterte si Advincula na magsampa ng kaso laban sa kaniya.

Binanatan naman ng Davao chapter ng IBP ang kanilang national chapter dahil sa pagpapagamit umano kay "Bikoy" sa pamomolitika.

Iginiit nila na non-partisan organization ang IBP at hindi nagpapagamit sa mga politikal na interes.

Pero nilinaw ng IBP na wala silang kinalaman sa paglantad maging sa mga pahayag ni Advincula.

Lumapit lang umano sa kanila si Advincula para humingi ng tulong-legal pero wala siya sa kanilang pangangalaga.

Samantala, kinasuhan ng Department of Justice sa Parañaque Regional Trial Court ng inciting to sedition si Rodel Jayme.

Si Jayme ang itinuturong gumawa ng website na nag-share ng "Totoong Narco-list" videos.

Sa panayam ng ANC, sinabi ni acting Prosecutor General Richard Fadullon na base sa kanilang forensic investigation sa computer ni Jayme, lumabas ang ilang usapan tungkol sa posibleng pagbibigay umano ng grupong Magdalo ng proteksiyon kay Jayme.

Itinanggi naman ni Sen. Antonio Trillanes na may kinalaman ang Magdalo kay Jayme pero sakali raw may lumapit sa kanila na taong natatakot para sa kaniyang buhay, hindi umano magdadalawang-isip ang Magdalo na tumulong.--Ulat nina Pia Gutierrez at Niko Baua, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
Bikoy
Senate
Senate investigation
Senado
Panfilo Lacson
Totoong Narco-list
Bikoy videos
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT