Lalaking nagpakilalang 'Bikoy' lumantad | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nagpakilalang 'Bikoy' lumantad

Lalaking nagpakilalang 'Bikoy' lumantad

ABS-CBN News

 | 

Updated May 06, 2019 07:38 PM PHT

Clipboard

Humarap sa mga mamamahayag si Peter Joemel Advincula, na nagpakilalang si alyas "Bikoy." Lumantad siya sa Integrated Bar of the Philippines ngayong Lunes. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

(UPDATE) Lumantad nitong Lunes ang isang lalaking nagsasabing siya ang nasa likod ng serye ng mga video na nag-uugnay sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drug trade sa bansa.

Pinamagatang "Totoong Narco-list" ang mga YouTube video na nagtatampok kay "Bikoy," na umano ay nagtatago ng mga financial record ng mga sindikato ng drogang may kaugnayan sa pamilya ni Duterte.

Sa isang press conference sa Integrated Bar of the Philippines (IBP), nagpakilala ang isang Peter Joemel Advincula bilang si "Bikoy."

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon kay Advincula, nagpunta siya sa IBP para humingi ng legal na tulong para sa pagsampa ng kaso sa mga personalidad na kaniyang tinukoy sa mga "Bikoy" video.

ADVERTISEMENT

Dati umanong nagtrabaho si Advincula sa isang multilevel marketing company.

Taong 2010 nang ilipat umano siya ng kaniyang boss sa pasilidad ng isang drug syndicate sa Misibis Bay sa Albay, kung saan nagtrabaho siya bilang control man ng radio base at CCTV operations.

Kalaunan ay inilipat siya sa isang team na gumagawa ng "tara," isang internal document na naglilista sa buwanang alokasyon ng mga principal ng sindikato.

Ito rin aniya ang dokumentong ipinakita niya sa video.

Ayon kay Advincula, trabaho niyang mag-scan ng mga code na nakaukit sa tato ng anak ng pangulo na si Paolo Duterte at ni dating Special Assistant to the President Christopher "Bong" Go.

ADVERTISEMENT

Pinadadala aniya ang code sa financial controller ng sindikato na nakabase sa Hong Kong para ma-validate ang transaksiyon.

Noong 2012, nakulong daw siya sa kasong estafa ng dating kompanyang pinagtatrabahuhan pero nakalaya rin noong 2016 at nakahanap ng bagong trabaho.

Nagtago raw siya matapos makilala ni Go sa bagong trabaho.

Ayon kay Advincula, lumantad siya sa media dahil sa mga banta sa kaniyang buhay.

Handa raw siyang makipagtulungan sakaling magkasa ng imbestigasyon ang Senado sa kaniyang mga paratang.

ADVERTISEMENT

Itinanggi rin ni Advincula na may koneksiyon siya sa Otso Diretso at na kilala niya si Rodel Jayme, ang umaming gumawa ng website na nag-upload ng "Totoong Narco-list" videos.

Sinabi rin ngayong Lunes ng Department of Justice na sasampahan ng kasong inciting to sedition si Jayme sa isang korte sa Parañaque sa Martes.

Balak naman ng National Bureau of Investigation na imbitahan si Advincula para makuhanan ng salaysay.

Nangako ang IBP na bibigyan ng legal aid si Advincula.

Para naman kay Justice Secretary Menardo Guevarra, dapat magsampa ng kaukulang kaso si Advincula kung may sapat siyang ebidensiya laban sa mga binanggit niya sa kaniyang salaysay.

ADVERTISEMENT

Ayon naman kay Go, matagal na niyang sinagot ang usapin partikular sa isyung tato. -- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.