PatrolPH

DILG: Community pantries sa bansa umabot na sa higit 6,700

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at May 06 2021 06:35 AM

DILG: Community pantries sa bansa umabot na sa higit 6,700 1
Ilang mga volunteer ang nagrepack ng mga donasyong gulay mula sa iba't ibang probinsiya para sa community pantry ng Immaculate Heart of Mary Parish sa Diliman, Quezon City. Jire Carreon, ABS-CBN News

MAYNILA—Umabot na sa higit 6,000 ang bilang ng mga itinayong community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ayon sa Department of the Interior and Local Government nitong Miyerkoles.

Matatandaang nagsimula lang ito sa isang pantry sa Maginhawa Street sa Quezon City na sinimulan ni Ana Patricia Non.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, patuloy na tinututukan ng mga awtoridad ang mga community pantry para matiyak na sumusunod sa health protocols

“Ang pinakamarami po ay makikita naitn dito sa area ng Calabarzon, area ng Region 3 at area ng NCR total of 6,715 community pantries. Sisiguraduhin po natin na nasusunod ang lahat ng minimum health standard dito at katulad po ng utos ninyo at ang LGUs, ang ating LCEs, at ang ating mga pulis, sisiguraduhin na walang violation sa mass gathering," mungkahi ni Año.

Samantala, nasa 77.19% ang natapos ng gobyerno sa pamamahagi ng ayuda noong enhanced community quarantine ngayong taon. Ayon kay Año, matatapos ang pagbibigay nito hanggang sa deadline sa May 15.

Sa NCR Plus, pinakamalapit nang matapos ang Laguna na nasa 90.28% na, sunod ang Metro Manila (78.93%), Bulacan (76.99%), Rizal (68.41%) at Cavite (68.02%).

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.