PatrolPH

TINGNAN: Pa-lechon sa community pantry sa Capiz, pinilahan

ABS-CBN News

Posted at May 05 2021 11:46 PM | Updated as of May 08 2021 11:26 PM

TINGNAN: Pa-lechon sa community pantry sa Capiz, pinilahan 1
Kuha ng Queen Stacy Firms

Pinilahan ng mga tao ang community pantry na itinayo ng Amigo Group sa Dumalag, Capiz dahil sa handang lechong baboy ng mga donor.

Maliban sa lechon, ipinamahagi din ng grupo ang mga reading glasses para sa mga senior citizens nitong Miyerkoles.

Watch more on iWantTFC

Nakatanggap din ang mga ito ng mga gulay, delata, bigas at marami pang iba.

Nakaraang araw, may ipinamigay din na alimango sa nasabing community pantry.--Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.