PatrolPH

Prosecutor general, minaliit ang pagbaliktad ni Ragos sa kaso ni De Lima

ABS-CBN News

Posted at May 02 2022 10:55 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA— Matapos umamin si dating Bureau of Corrections OIC Rafael Ragos na kasinungalingan lamang ang mga paratang niya laban kay Sen. Leila de Lima dahil tinakot siya ng gobyerno, wala na daw itong epekto sa mga illegal drug charge ng senador para sa prosekusyon.

Saad ni prosecutor general Ben Malcontento, handa ang prosekusyon sa mga pagbawi ng testigo sa mga testimoniya nito kay De Lima. Wala pa umanong legal effect ang pagbaliktad ni Ragos, na kailangan mag-testify sa korte kung gusto niya magka-epekto sa kaso ang pagbawi niya.

Ani Malcontento, wala nang silbi sa prosekusyon si Ragos dahil "rested" na ang kanilang panig sa kaso. Aniya, kahit na maipasok ang huling affidavit umano ni Ragos, hindi ibig sabihin papaniwalaan ito ng husgado.

Pero, dagdag ni Malcontento, ang testimonya ngayon ng dating BuCor official ay pag-aaralan ng prosekusyon sa korte. Maaaring may halong umano pulitika ang ginawang pagbawi ng testimonya laban kay De Lima, na isa sa mga pinakamatinding kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang counter-affidavit na inilabas sa publiko nitong Huwebes, sinabi ni umaming drug lord na si Kerwin Espinosa na walang katotohanan ang kaniyang mga paratang kay De Lima na tumanggap ito ng pera kapalit ng drug dealing protection. 

Pinilit lang umano si Espinosa na sabihin ito sa mga Senate hearing noong 2016.— Pasado sa TeleRadyo, TeleRadyo, Mayo 2, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.