27 kasama ni Espinosa ginagamit laban kay De Lima: abugado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
27 kasama ni Espinosa ginagamit laban kay De Lima: abugado

ABS-CBN News
Published Apr 29, 2022 01:48 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Matapos ang pagbawi ng mga alegasyon ni Kerwin Espinosa laban kay Sen. Leila de Lima, sinabi ng kampo ng aminadong drug lord na ginagamit ng gobyerno ang iba pang mga kasama nito sa kulungan laban sa senador.

Ayon kay Raymund Palad, abugado ni Espinosa, ang 27 na iba pang mga umano'y drug and crime personalities—na kinasuhan ng National Bureau of Investigation kaugnay ng mga alegasyon ni Espinosa sa Senado noong 2016—ay ginagamit ng gobyerno para madiin si De Lima sa mga illegal drug charge laban sa senador.

Aniya, ang kaso na nag-ugat sa mga alegasyon ni Espinosa sa mga Senate hearing patungkol kay De Lima noong 2016 ay maraming isinalang na witness na ginagamit ng Department of Justice, kung saan nakasailalim ang NBI.

Saad ni Palad, si Espinosa at ang 27 na mga kinasuhan ng NBI ay makikinabang sa pagbawi ng mga alegasyon laban kay De Lima.

Nitong Huwebes, sinabi ni prosecutor general Ben Malcontento na hawak ng DOJ ang prosecution pero "independent" umano ang kanilang imbestigasyon laban sa senador, na isa sa mga pinakamatinding kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.—Pasada sa TeleRadyo, TeleRadyo, Abril 28, 2022

Read More:
Kerwin Espinosa
Leila de Lima
illegal drugs
drug lord
Rodrigo Duterte
Department of Justice
DOJ
NBI
National Bureau of Investigation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT