Pagbawi ni Espinosa walang kinalaman sa kaso ni De Lima: prosecutor general | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagbawi ni Espinosa walang kinalaman sa kaso ni De Lima: prosecutor general

Pagbawi ni Espinosa walang kinalaman sa kaso ni De Lima: prosecutor general

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Wala daw umanong kinalaman sa kaso ni Sen. Leila de Lima ang pagbawi ng mga alegasyon laban sa kaniya ng umaming drug lord na si Kerwin Espinosa.

Sa isang counter-affidavit na inilabas sa publiko nitong Huwebes, sinabi ni Espinosa na walang katotohanan ang kaniyang mga paratang kay De Lima na tumatanggap ito ng pera kapalit ng drug dealing protection.

Pinilit lang umano siyang sabihin ito sa mga Senate hearing noong 2016.

Pero ayon kay Ben Malcontento, prosecutor general, "self-preservation" ang hakbang na ginawa ng drug lord, na nadala lang raw ng "media impact" kaya niya nagawa ito.

ADVERTISEMENT

Aniya, nag-testigo lang si Espinosa laban kay De Lima sa Senado noon at hindi sa husgado o sa Department of Justice kaya dapat hayaan ang korte na magedesisyon sa mga kaso ni De Lima.

Pilit ni Malcontento, malakas ang kanilang kaso laban kay De Lima. Sabi pa ng prosecutor general, pangalanan ni Espinosa sa kung sino nag pumilit dito noong 2016.

Kinumpirma naman ni Malcontento na hawak ng DOJ ang prosecution pero "independent" umano ang kanilang imbestigasyon laban sa senador, na isa sa mga pinakamatinding kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.—SRO, TeleRadyo, Abril 28, 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.