PatrolPH

Suspek patay sa buy-bust sa Basilan; P340,000 halaga ng shabu nasabat

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2021 02:51 AM

LAMITAN, Basilan—Patay ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa buy-bust ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa highway ng Brgy. Sta Clara sa lungsod na ito Martes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Sawajaan "Bin" Indanan.

Ayon sa report ng PDEA-BARMM, bumunot si Indanan ng armas matapos matunugan na pulis pala ang katransaksyon niya, kaya napilitan umano ang mga awtoridad na barilin siya.

Isinugod siya sa ospital, pero idineklarang patay habang ginagamot.

Isang sachet na puno ng shabu ang nakuha mula sa suspek sa operasyon. Nasa P340,000 umano ang halaga ng nakuhang ilegal na droga na may 50 gramo ang bigat. — Ulat ni Chrislen Bulosan

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.