P3.4M halaga ng shabu, nasamsam sa babaeng 'tulak' sa Bulacan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P3.4M halaga ng shabu, nasamsam sa babaeng 'tulak' sa Bulacan

ABS-CBN News
Published Apr 28, 2021 07:08 PM PHT

Hindi na nakapalag pa ang isang 37-anyos na babae matapos arestuhin ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 3 sa Bulacan, Martes ng gabi.
Tubong Caloocan City ang suspek na si alyas Grace.

Agad na hinuli ang suspek sa isang buy-bust operation sa mismong palengke sa Barangay Loma de Gato sa bayan ng Marilao.

Narekober sa suspek ang isang resealable plastic na may lamang hinihinalang shabu na nasa 500 gramo ang timbang at tinatayang nasa P3.4-milyon ang halaga.

Mahaharap sa kasong paglabag sa section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.
Mahaharap sa kasong paglabag sa section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.
ADVERTISEMENT
- Ulat ni Gracie Rutao
- Ulat ni Gracie Rutao
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT