Lalaki patay sa sunog sa Makati | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki patay sa sunog sa Makati
Lalaki patay sa sunog sa Makati
Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Apr 26, 2021 11:00 PM PHT
|
Updated Apr 27, 2021 06:20 AM PHT

MAYNILA (UPDATE)—Isang 25 anyos na lalaki ang patay sa sunog na sumiklab sa Barangay Olympia sa lungsod ng Makati, Lunes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, ang biktima na si Jeremiah Rizon, na may kapansanan, ay na-trap sa kaniyang kwarto sa ikalawang palapag na bahay sa San Bernardino Street.

Ayon sa pamilya, may down syndrome si Rizon at posibleng natakot noong ma-trap sa kuwarto habang sinusubukang iligtas.

Sa bahay ng biktima rin umano nagsimula ang apoy, ayon sa BFP, bagama't iniimbestigahan pa ang naging sanhi nito.

ADVERTISEMENT
Naitaas ang unang alarma ng sunog bandang 7:14 ng gabi, hanggang naakyat ito hanggang ikatlong alarma bandang 7:23 p.m.

Tuluyan namang naapula ang apoy bandang 8:15 ng gabi.

Tinatayang nasa 18 na pamilya na nakatira sa 12 bahay ang naapektuhan ng sunog.

Nasa P300,000 naman ang sinasabing halaga ng ari-ariang tinupok ng apoy.

Binuksan ang barangay para matuluyan ng mga nasunugan, pero may iba naman na nakitira sa mga kamag-anak.

Nag-aalala pa rin ang ilan sa kanila sa kanilang pagbangon.--May ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT