Pabrika, ilang katabing bahay nasunog sa Caloocan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pabrika, ilang katabing bahay nasunog sa Caloocan

ABS-CBN News
Published Apr 26, 2021 12:52 PM PHT
|
Updated Apr 26, 2021 12:53 PM PHT

MAYNILA — Nasunog ang isang pabrika ng plastic at ilang katabing bahay nito sa Caloocan City nitong madaling araw ng Lunes, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Bandang alas-2:16 ng madaling araw nang mai-report sa BFP ang sunog sa pabrika at 6 na bahay sa Barangay 165, Bagbaguin, sabi ni Fire Chief Inspector Bernardo Batnag.

Bandang alas-6 ng umaga nang ideklarang under control ang sunog.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi nito at halaga ng natupok.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi nito at halaga ng natupok.
ADVERTISEMENT
Kasama sa mga nasunugan si Enrique Capispisan, 56.

Natupok aniya ang karamihan sa kanilang mga gamit at maging mga panindang candy at tubig, na siyang hanapbuhay niya.

Samantala, sa Quezon City, nasunog din ang 6 na bahay sa Barangay Payatas A, bandang alas-5 ng hapon nitong Linggo.

Lumalabas na pagwe-welding ang dahilan ng pagsiklab ng apoy sa ikalawang palapag ng isang bahay.

Nagtamo ng first-degree burn ang isang residenteng kinilalang si Lauro Christopher Villabroza.

Tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng mga ari-ariang natupok.

— Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
FROM THE ARCHIVES:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT