Sunog, sumiklab sa isang residential area sa Payatas, Quezon City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog, sumiklab sa isang residential area sa Payatas, Quezon City

Sunog, sumiklab sa isang residential area sa Payatas, Quezon City

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Sampung pamilya ang nawalan ng tahanan matapos tupukin ng apoy ang anim na magkakatabing bahay sa Dahlia St., Brgy. Payatas A, Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog ng 5:17 p.m. agad na itinaas sa ikalawang alarma nang 5:28 p.m. at tuluyang naapula ganap na 6:22 p.m.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na pagwe-welding ang dahilan ng pagsiklab ng apoy sa ikalawang palapag ng bahay na pag-aari ni Felecita Villabroza.

Nagtamo ng first degree burn ang isa sa miyembro ng pamilya na si Lauro Christopher Villabroza.

ADVERTISEMENT

Tinataya namang aabot sa P100,000 ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.