Negosyante patay sa pamamaril habang nagja-jogging sa Ilocos Norte | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Negosyante patay sa pamamaril habang nagja-jogging sa Ilocos Norte

Negosyante patay sa pamamaril habang nagja-jogging sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ng Paoay PNP

Patay sa pamamaril ang 52-anyos na lalaki sa Barangay Suba sa bayan ng Paoay, Ilocos Norte, Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Froilander Agdeppa na presidente ng Disco Owners Association ng Laoag City.

Ayon sa hepe ng Paoay Police Station na si Police Maj. Eddie Suyat, nagja-jogging si Agdeppa kasama ang kaniyang drayber nang mangyari ang krimen.

"Habang nagja-jogging siya baba ng Malacañang of the North, sa bagong gawa na daan na Paoay Lake Road nang nasundan siya ng mga salarin tapos pinagbabaril na ang biktima," ani Suyat.

ADVERTISEMENT

Nagtamo ng higit 20 na tama ng baril sa iba't-ibang bahagi ng katawan ang biktima. Lumalabas na caliber .45 at M-16 rifle ang ginamit sa pamamaril base sa mga narekober na kapsula sa crime scene.

Ang mga salarin ay nakasakay sa motorsiklo at itim kotse. Nakaligtas sa pamamaril ang drayber nito matapos tumalon sa bangin.

Ito pa lang ang ikalawang beses na nagpunta sa lugar ang biktima para mag-jogging.

Patuloy ang pagtukoy ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ayon kay Suyat, bukod sa pagiging negosyante ng biktima, isa pa sa mga pinag-aaralang anggulo sa pagpaslang sa kanya ay pulitika.

Tubong bayan ng Sinait, Ilocos Sur at tumakbo sa pagka-alkalde ang biktima noong 2019 pero natalo.

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.