Babae patay nang pagbabarilin sa loob ng bahay sa Davao de Oro

ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2021 12:32 PM

Dead on the spot ang isang babae matapos barilin sa loob ng kaniyang bahay sa Nabunturan, Davao de Oro, sabi ngayong Linggo ng pulisya.

Ayon kay Aljun Lastimoso, kinakasama ng biktimang si Marevil Gumanit, matutulog na sana sila sa bahay sa Barangay Bukal noong gabi ng Biyernes nang pasukin ng 2 armadong lalaki.

Bumunot umano ng baril ang isa sa mga lalaki at pinaputukan sa ulo nang 2 beses ang biktima.

Tinutukan pa umano ng mga suspek ng baril si Lastimoso, pero hindi na ito gumana.

Agad nakatakas ang mga suspek sa Barangay Gubatan.

Natukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng isa sa mga suspek at nagsasagawa na sila ng operasyon para mahuli ang mga ito.

Personal na alitan ang nakikitang motibo sa krimen, ayon sa pulisya.

— Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.