Lalaki patay matapos pagbabarilin sa harap ng bahay niya sa Cagayan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki patay matapos pagbabarilin sa harap ng bahay niya sa Cagayan

Lalaki patay matapos pagbabarilin sa harap ng bahay niya sa Cagayan

ABS-CBN News

Clipboard

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pamamaril ng riding-in-tandem sa isang lalaki sa bayan ng Tuao, Cagayan, Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Rico Callueng, 56, contractor at residente ng Barangay Fugu.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, nakaupo sa harap ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang 2 salarin at bigla na lang siya barilin.

Agad tumakas ang mga suspek.

ADVERTISEMENT

Nadala sa ospital ang biktima, pero idineklara siyang dead-on-arrival dahil sa tama ng bala sa dibdib.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 3 basyo ng bala ng kalibre .45 na baril.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng rinding-in-tandem at kung ano ang kanilang motibo sa pagpatay sa biktima. — Ulat ni Harris Julio

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.