Babaeng sales agent pinatay ng riding-in-tandem sa Bataan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babaeng sales agent pinatay ng riding-in-tandem sa Bataan

ABS-CBN News
Published Mar 29, 2021 03:36 PM PHT

MAYNILA — Patay ang isang babaeng sales agent sa bayan ng Orion, Bataan matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Ruth Rafa, 52.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nasa terrace ng kanyang bahay sa Barangay Upper Bilolo ang biktima at may kausap sa cellphone nang biglang may 2 lalaking sakay ng motorsiklo ang tumigil sa harapan ng kanyang bahay.

Binaril ang biktima ng 2 beses at saka humarurot ang motorsiklo.

ADVERTISEMENT
Naitakbo pa sa ospital ang biktima pero idineklara nang dead-on-arrival.

Sabi ng pulisya, ang mga salarin ay nakasuot ng face mask, helmet, naka-dark green shirt ang angkas habang naka-asul naman ang driver.

Dagdag pa ni Brig. Gen. Valeriano de Leon, napag-alamang nagtatrabaho rin bilang sekretarya na nag-aasikaso ng land titles ang biktima.

May ilang kliyente umano ng kaniyang opisina ang nagrereklamo sa delay ng pagtitulo ng lupa.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen.
Patuloy ang imbestigasyon sa krimen.
—Ulat ni Gracie Rutao
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT