PatrolPH

P3.4-M halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Angeles City; 2 timbog

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2021 10:38 PM

P3.4-M halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Angeles City; 2 timbog 1
Kuha ng PDEA-Region 3

Nasa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga tauhan ng PDEA sa isang buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga nitong Miyerkoles.

Ayon sa PDEA-Region 3, nasamsam ang naturang ilegal na droga mula sa dalawang tinuturong big time ng mga tulak sa McArthur Highway sa Barangay Ninoy Aquino.

Pebrero pa nila umano minamanmanan ang mga transaksyon ng mga suspek sa Angeles.

Mahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga ito. — Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.