Higit P122 milyong halaga ng shabu, nasabat sa Las Piñas; 6 timbog | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit P122 milyong halaga ng shabu, nasabat sa Las Piñas; 6 timbog

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Apr 16, 2021 06:36 AM PHT
|
Updated Apr 16, 2021 07:53 AM PHT

MAYNILA—Kabilang ang isang binatilyo sa 6 na taong inaresto sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasama ang ibang tauhan ng militar at pulisya sa Manuyo Dos, Las Piñas City noong Miyerkoles.

Nakipagkita ang poseur buyer sa target sa isang bahay sa Gatchalian subdivision bandang alas-10:30 ng umaga.

PDEA confiscates over P122-million worth of shabu placed in Chinese tea bags following a buy-bust in Gatchalian Subd., Manuyo Dos, Las Piñas City. Six are arrested, one of them a 14 y/o boy.
(📸: PDEA) pic.twitter.com/2BQ173hWNI
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) April 15, 2021

Hinuli ang isang 14-anyos na estudyante at 20-anyos na houseboy, kasama ang iba pang mga sinangkot sa buy-bust na may edad na 20, 30, 34, at 41.

Nasabat ng mga agent ang 17 bloke at 19 mga sachet ng shabu na nakalagay sa mga Chinese tea bag at may kabuuang timbang na 18 kilo.

ADVERTISEMENT
Nasa P122.4 million ang tinatayang halaga nito.

Kinumpiska rin ang sasakyan at motorsiklo ng grupo.

Ayon kay PDEA spokersperson Dir. Derrick Carreon, matagal nang binabantayan ang grupo ng kanilang case operational plan Whisperer.

Kabilang pa umano sila sa mga Chinese syndicate, lalo’t mula sa tinaguriang Golden Triangle ang nasabat na droga.

Kasunod ang arestong ito ng naunang pagsabat ng pulisya ng P210-milyong halaga ng shabu na nasa mga Chinese tea bag sa Bgy. Almanza Uno sa Las Piñas din.

Dalawang tinuturong tulak ang napatay sa operasyong iyon.

Inaalam pa kung konektado ang dalawang grupo.

Read More:
drug war
war on drugs
PDEA
Philippine Drug Enforcement Agency
Manuyo Dos
Las Pinas
Chinese tea bag
Golden Triangle
Tagalog news
TeleRadyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT