PatrolPH

P6.8-M halaga ng umano'y shabu nasamsam sa Lanao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2021 01:57 AM

P6.8-M halaga ng umano'y shabu nasamsam sa Lanao del Sur 1
Kuha ng PDEA BARMM

MARAWI - Nasamsam ang nasa isang kilo ng shabu na nagkakahalaga umano ng higit P6 milyon sa isang buy-bust operation sa Marawi City nitong Miyerkoles.

Sa naturang operasyon ng pulisya, militar, at PDEA sa Brgy. Matampay, naaresto ang isang mag-asawa na umano'y nagbebenta ng naturang kontrabando. Ayon sa mga awtoridad, sa daan lang din naganap ang transaksyon.

Tinatayang nagkakahalaga ang ilegal na droga ng P6.8 million. Bukod sa droga, nakuha rin sa kanila ang boodle money, kotse at cellphone na gamit nila sa transaksyon.

Kakasuhan ang dalawang suspek ng paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.--Ulat ni Roxanne Arevalo

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.