Leyte isinailalim sa state of calamity dahil sa pinsala ni Agaton | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Leyte isinailalim sa state of calamity dahil sa pinsala ni Agaton

ABS-CBN News
Published Apr 20, 2022 07:35 PM PHT

Isinailalim na sa state of calamity ang probinsiya ng Leyte dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Agaton.

Layon ng deklarasyon na magamit ang calamity funds para maipamahagi ang tulong sa mga apektadong pamilya.

Sa deklarasyong inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Leyte, nakasaad dito na nagdulot ang bagyo ng pinsala sa ilang bayan sa probinsiya, at nagkaroon ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa lungsod ng Baybay, umabot na sa 123 ang bilang ng mga namatay dahil sa pagguho ng lupa bunsod ng bagyong Agaton, sabi ni Mayor Carlos Cari nitong Miyerkoles.

Apektado rin ang sektor ng transportasyon at linya ng tubig na maiinom sa ilang bayan, kasama na ang sektor ng imprastraktura.

Ang bagyong Agaton ang unang bagyong tumama sa Pilipinas ngayong taon.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan
KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
Tagalog news
regions
regional news
Leyte
state of calamity
Agaton
Megi
calamity funds
disaster
calamity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT