123 patay sa Baybay, Leyte dahil sa pananalasa ni Agaton: mayor | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
123 patay sa Baybay, Leyte dahil sa pananalasa ni Agaton: mayor

ABS-CBN News
Published Apr 20, 2022 08:40 AM PHT
|
Updated Apr 20, 2022 08:45 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA – Umabot na sa 123 ang bilang ng mga namatay sa pagguho ng lupa sa Baybay, Leyte sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyong Agaton doon, ayon kay Mayor Carlos Cari nitong Miyerkules.

Dagdag pa ni Cari, may 66 pang hinahanap na biktima ng landslide sa lungsod.

Ayon sa alkalde, ito ang unang beses na gumuho ang lupa sa kanilang bayan.

“Walang history po ng landslide yung area na yun…yung lugar na yan, hazard siya with regards to the riverbanks kasi malapit siya sa riverbank. Eh lahat naman ng barangay may kalapit sa mga riverbank kasi pamumuhay rin nila yun.”

Ani Cari, magpapatuloy pa rin ang search and retrieval operations sa Barangay Catagnos sa Baybay, bagamat itinigil na ito sa ibang lugar.

Dagdag pa niya, nakatutok na ngayon ang lokal na pamahalaan sa pagpapatayo ng mga temporary shelter para sa mga biktima ng landslide.

“Minamadali namin na maumpisahan na ito, na maski yung temporary shelter maumpisahan na. Kasi alam naman natin na yung mga evacuation center, hindi naman designed talaga na tirahan nang matagalan. Panandalian lang sana yun.”

Umabot na sa 175 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng bagyong Agaton sa buong bansa.

--Teleradyo, 20 April 2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT