Paghahanap ng mga nawawala sa ilang Baybay landslide sites itinigil na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paghahanap ng mga nawawala sa ilang Baybay landslide sites itinigil na

Paghahanap ng mga nawawala sa ilang Baybay landslide sites itinigil na

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 20, 2022 04:03 AM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Hininto na ng mga awtoridad ang paghahanap ng mga nawawala sa landslide sa ilang barangay sa Baybay City, Leyte.

Ito ay dahil umano delikado nang maghanap lalo't malambot ang lupa at hirap nang hanapin ang mga bangkay na hinihinalang nasa stage of decomposition na.

Kinausap na rin ng mga awtoridad ang pamilya ng mga namatay.

Isang linggo na ring pabalik-balik sa landslide area sa barangay Kantagnos si Jonathan Medala, na umaasa pa ring mahahanap ang mga bangkay ng mga mahal sa buhay. Ipinagpapatuloy pa sa ngayon ang paghahanap sa nasabing barangay.

ADVERTISEMENT

May mga bayaw si Medala at mga pamangkin na natabunan ng landslide, habang nakatira rin sa lugar ang kaniyyang mga katrabaho.

"'Di baleng wala nang buhay. At least makita ang bangkay at maipalibing nang maayos," ani Medalla.

Nawawala rin ang mga kaanak ni Fe Aviola, na tanggap na ang pagwawakas ng retrieval operations.

Ipagdarasal na lang niya na sana'y makahanap ng katahimikan ang mga yumaong mahal sa buhay.

"Wala na tayong magagawa," aniya.

Mas importante sa mga nasalanta na makapagsimulang muli sa mas ligtas na lugar.

Hiling nila na bilisan ang pagpapatayo ng permanenteng bahay na kanilang malilipatan gaya ng ipinangako sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte nang bumisita noong Biyernes Santo.

Ayon sa lokal na pamahalaan, naghahanap pa sila ng ligtas na lugar at susuriin ito ng Mines and Geosciences Bureau.

Tumutulong naman ang National Bureau of Investigation sa pagkilala sa iba pang mga bangkay.

Sa huling tala ng NDRRMC, nasa 175 na ang kabuuang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng Bagyong Agaton.

-- Ulat ni Ranulfo Docdocan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.