Kaanak ng mga natabunan ng landslide sa Baybay nais ituloy ang retrieval ops | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kaanak ng mga natabunan ng landslide sa Baybay nais ituloy ang retrieval ops

Kaanak ng mga natabunan ng landslide sa Baybay nais ituloy ang retrieval ops

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 16, 2022 02:54 PM PHT

Clipboard

Nagluluksa ang pamilya ni Mantessa Polvera matapos mamatay ang 26 sa kanyang mga kaanak sa landslide sa Sitio Waterfalls, Brgy. Mailhi sa Baybay City, Leyte, nitong Lunes. Larawan kuha ni Sharon Evite
Nagluluksa ang pamilya ni Mantessa Polvera matapos mamatay ang 26 sa kanyang mga kaanak sa landslide sa Sitio Waterfalls, Brgy. Mailhi sa Baybay City, Leyte, nitong Lunes. Larawan kuha ni Sharon Evite

BAYBAY CITY, Leyte (UPDATE) – Nananawagan ang isang kaanak ng mga natabunan ng landslide sa bayan na ito na ipagpatuloy ng awtoridad ang search and retrieval operations para kahit papaano ay mailibing pa rin sila.

Isa na rito si Mantessa Polvera, na nagluluksa matapos masawi ang 26 sa kaniyang mga kaanak sa landslide sa Sitio Waterfalls, Barangay Mailhi sa Baybay City matapos ang paghagupit ng Bagyong Agaton nitong Lunes.

Umuwi si Polvera sa Leyte mula sa Maynila nang malaman ang nangyari.

Kabilang sa mga namatay ang kanyang ama, ina, 3 mga kapatid, mga pamangkin, tiyahin at tiyuhin.

ADVERTISEMENT

Nakuha na nila ang mga bangkay ng mga ito at nailibing na ang 9 sa 26 niyang kaanak na namatay. Sa 26 na namatay, apat pa ang hindi nahahanap.

Napaglamayan pa ng pamilya ni Polvera ang ilan nilang mga kaanak. Pero dahil kakukuha pa lang nila sa bangkay ng kanyang tatay at dalawang pinsan, diretso na nila itong ipinalibing.

Hiling ng pamilya sa mga awtoridad, ituloy ang search and retrieval operations.

"Kahit patay na sila makita man lang sila at mailibing man lang sila nang maayos. Kahit ’yun lang naman po ’yung maibigay namin," hiling ni Polvera sa mga awtoridad.

Pahirapan na kasi ang search and retrieval operations dahil sa lalim at lambot ng putik dulot ng paminsan-minsang pagbuhos ng ulan, bagay na maaaring maglagay sa alanganin ng buhay ng mga naghahanap ng mga bangkay.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Baybay Mayor Jose Carlos Cari, isinasaalang-alang din nila ang damdamin ng mga namatayan kaya kung maaari, gusto nilang ituloy pa ang search and retrieval operations.

"Dala pa ng damdamin sa mga kamag-anak, kailangang kailangan pa talagang mag-retrieve pa tayo, para masaluhanan natin ang nararamdaman nila," sabi ni Cari.

Pero ayon sa alkalde, pag-uusapan ng mga awtoridad sa Lunes o Martes kung itutuloy pa ba ang search and retrieval operations o ihihinto na.

Ayon kay Cari, umabot na sa 101 ang bilang ng mga namatay, habang 103 pa ang nawawala.

Sa Barangay Mailhi at Kantagnos na lang ang patuloy ang search and retrieval operations, habang itinigil na ang paghahanap ng mga bangkay sa ibang mga barangay. — Ulat ni Sharon Evite

PANOORIN

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.