Mga residente lumikas sa E. Visayas, Bicol dahil sa Bagyong Bising | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga residente lumikas sa E. Visayas, Bicol dahil sa Bagyong Bising

ABS-CBN News
Published Apr 18, 2021 05:55 PM PHT

MAYNILA — Nagdala ng malalakas na ulan at hangin sa ilang lugar sa bansa ang Bagyong Bising, dahilan para lumikas ang maraming residente mula sa kanilang mga bahay.

Sa Tacloban City, nagsilikas na ang ilang residente matapos makaranas ng malalakas na ulan at pabugso-bugsong hangin ang lungsod.

Dahil sa masamang panahon, nawalan din ng supply ng kuryente ang malaking bahagi ng Tacloban.

Sa Northern Samar, inutos ni Governor Edwin Ongchuan ang paglikas ng mga pamilyang nakatira sa coastal areas dahil sa posibleng epekto ng bagyo.

ADVERTISEMENT
Nagsimula na ring lumakas ang agos ng tubig sa ilog sa Barangay Cagogobngan sa bayan ng Catubig dahil sa hangin at ulan, kaya inabisuhan ang mga residente na magsimula nang lumikas.

Gabi pa lang ng Sabado, lumikas na sa evacuation center ang ilang residente sa mga bayan ng San Roque, Catarman at Mondragon para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Nasa higit 30 pamilya naman ang inilikas sa 3 barangay sa bayan ng Mapanas dahil sa baha.

Binigyan na ng mga lokal na pamahalaan ng relief goods ang mga lumikas na pamilya.

Sa Eastern Samar, binaha ang ilang kalsada sa bayan ng Arteche.

Isinara rin nitong umaga ng Linggo ang Camp 5 boundary junction ng bayan ng Taft dahil sa posibilidad ng landslide o pagguho ng lupa.

Sa Guiuan, Eastern Samar, sa kasagsagan ng bagyo, nasunog ang 12 bahay sa Barangay 6.

Sinabayan naman ng high tide ang storm surge na dulot ng bagyo kaya nawasak ang ilang bahay sa baybayin ng Barangay Nato sa bayan ng Sagñay, Camarines Sur.

Apat naman ang nagpositibo sa COVID-19 antigen test sa 280 na driver at pahinanteng nakatigil sa Pan-Philippine Highway sa bayan ng Bato, Camarines Sur.

Pinigil ang mga saskayan sa Camarines Sur-Albay border para maiwasan ang mahabang pila ng mga sasakyan sa Matnog Port ngayong walang biyahe dahil sa bagyo.

Hanggang nitong umaga ng Linggo, umabot na sa 700 pasahero at higit 200 saskayan ang stranded sa Matnog Port.

Sa Tiwi, Albay, nagsilikas ang mga residente matapos umabot sa ilang bahay sa Barangay Lourdes ang malakas na alon.

Ramdam na rin ang masamang panahon sa Virac, Catanduanes.

Sa Barangay Santa Cruz, umapaw na ang tubig mula sa dagat, na siyang nagdulot ng mababaw na baha.

Sa Barangay Francia, na isa ring coastal area, naghahanda ang ilang residente ng sandbags at iba pang pananggalang sa bahay kontra sa epekto ng bagyo.

Ang ilang residente'y lumikas sa kapitolyo ng Catanduanes na nagsisilbing evacuation center.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy na mino-monitor ng Palasyo ang mga apektado ng Bagyong Bising.

Nakahanda na raw ang Office of Civil Defense at Armed Forces of the Philippines para sa ano mang operasyon. May standby funds at food packs ding nakahanda ang Department of Social Welfare and Development.

— Ulat ni Rod Macenas, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Bising
Bising PH
Typhoon Bising
panahon
Tacloban City
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT