12 bahay natupok sa Guiuan, Eastern Samar | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

12 bahay natupok sa Guiuan, Eastern Samar

12 bahay natupok sa Guiuan, Eastern Samar

ABS-CBN News

Clipboard

a kasagsagan ng masamang panahong dala ng Bagyong Bising, nasunog ang isang residential area sa bayan ng Guiuan, Eastern Samar ngayong Abril 18, 2021. Retrato ni Prince Kyle Regal

Aabot sa 12 bahay ang natupok sa Guiuan, Eastern Samar nitong madaling araw ng Linggo sa kasagsagan ng masamang panahong dala ng Bagyong Bising.

Sa ulat ng Eastern Visayas police, bandang alas-3:20 ng madaling araw nag-umpisa ang sunog sa may Barangay 6 at naapula ito alas-5:50 ng madaling araw.

Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa sunog.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagsimula ang apoy dahil sa pag-spark ng poste ng kuryente.

ADVERTISEMENT

Dahil sa lakas ng hangin, kumalat ito sa mga bahay na gawa sa light materials.

Tinatayang aabot sa P250,000 ang inisyal na halaga ng pinsalang dulot ng sunog sa mga ari-arian.

Umapela naman ng tulong ang 12 pamilyang nasunugan.

-- Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.